AFP determinadong panatilihin ang detachment sa Ayungin shoal

Image

Manila—Sa kabila ng patuloy na harassment mula sa China, determinado ang Pilipinas na panatilihin ang kanilang small military detachment sa Ayungin shoal na nakabase sa nakasadsad na World War II era landing ship, pahayag ni Defense Secretary Voltaire Gazmin.

Tumanggi si Gazmin na talakayin ang detalye ng government action plan sa pagpapananatili ng military precarious hold on garrison ngunit sinabi nitong mandato ng armed forces na pangalagaan at panatilihin ang territorial integrity ng bansa.

Inihayag naman ng senior security official, ang Navy ay nagsasagawa ng repairs sa rundown BRP Sierra Madre upang mapanatiling intact at ligtas sa mga Marines na nakadestino bilang gwardiya ng shoal na sakop ng exclusive economic zone ng bansa.

Aniya, walang plano ng paglalagay ng istraktura sa Ayungin at ang isinasagawa lamang ay pag-aayos sa loob ng barko upang maiwasang magkapira-piraso.

Sinabi pa nito, ang mga steel joints at beams sa loob ng BRP Sierra Madre ay unti-unti ng nasisira at kung di agad maaayos maaring mawasak ang barko.

Ayon pa dito, ang detachment sa Ayungin shoal maging ang ibang garrison na inaangkin ng china ay regular na bibigyan ng provisions.

Una rito, hiniling ng China na alisin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin at binantaan pa nito ang Pilipinas na maging responsable sakaling sumiklab ang hidwaan dahil umano sa illegal occupation.

Matatagpuan ang Ayungin Shoal malapit sa supply route mula Palawan hanggang Kalayaan town ang island municipality na matatagpuan sa Pag-Asa Island sa pinag-aagawang Spratlys.

Ang Ayungin din ay ilang nautical miles ang layo mula sa oil rich Recto Bank na kilala sa tawag na Reed Bank. (Tonette) – News Link by DWDD – http://dwdd.com.ph/2014/03/afp-determinadong-panatilihin-ang-detachment-sa-ayungin-shoal/

Published by Defense News Daily PH

Defense News Daily TV contains real time news right from the source. Reporting the security information in the Philippines is its main priority. Mission Empower the Filipinos Through Updated Security Information Company Overview Defense News Daily is a website containing real time news right from the source. Reporting the security information in the Philippines is its main priority. (DNDTV) is the online source of defense and security-related news. It also features interesting stories of military heroism and patriotism....See More Description Defense News Daily is a website containing real time news right from the source. Reporting the security information in the Philippines is its main priority. (DNDTV) is the online source of defense and security-related news. It also features interesting stories of military heroism and patriotism....See More General Information Editorial Board and News Team Defense News Daily Online Team IDG CRSAFP https://www.facebook.com/pages/Defense-News-Daily-PH-Online-Team/1453461228209937 Ang Tala Board Trained military personnel as news contributors PAO and DWDD managers as the point persons

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: