Sa pagkadakip ng CPP-NPA lider, Gobyerno handa sa posibleng atake

Defense News Daily PH
Manila—Siniguro ng Malacañang na nakahanda ang gobyerno sa posibleng retaliation attacks kasunod ng pagkakadakip ng mataas na lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda: “Lubos ang ating kaalaman sa maaaring pag-atake bilang pagganti at ang ating sanadtahang lakas ay laging handa sa pagtatanggol sa ating mamamayan (We are always aware, fully aware of the possibility of retaliation and our armed forces are always ready to defend the population).”

Ito ang naging pahayag ni Lacierda kasunod ng pagkakaaresto sa CPP-NPA secretary general at chairman Wilma at Benito Tiamzon sa Barangay Zaragosa, Aluginsan, Cebu.

Una ng idineklara ng CPP founder na si Joma Sison na ang pagkakaaresto sa mag-asawang Tiamzon ay hindi umano makakapilay sa kanilang kilusan.

Sa kabilang banda, kinondena naman ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace panel chief Luis Jalandoni ang pag-aresto sa mag-asawang Tiamzon.

Iginiit pa ni Jalandoni na ang mag-asawa ay kapwa saklaw ng Joint agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) sa kabila ng kanilang posisyon sa CPP.

Sinabi naman ni Lacierda na ang JASIG ay kasalukuyang hindi naipatutupad dahil sa kawalan ng listahan ng mga taong sakop nito.

“Hindi operative ang JASIG sa ngayon dahil hindi mabuksan ‘yung files na naibigay sa amin,” ayon kay Lacierda sa panayam sa dzRB.

Binanggit din ni Lacierda ang panawagan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista sa iba pang miyembro ng CPP-NPA na isuko ang kanilang armas at magbalik loob sa batas.

Tinukoy din ni Lacierda ang inihayag ni Office of Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Teresita Quintos-Deles na ang gobyerno ay laging handa para sa usapan upang tugunan ang mga maaaring mapagkasunduan at maipatupad sa madaling panahon tungo sa kapayapaan. News Link by DWDD – http://dwdd.com.ph/2014/03/gobyerno-nakahanda-sa-posibleng-retaliation-attacks-matapos-maaresto-ang-lider-ng-cpp-npa/

 

Published by Defense News Daily PH

Defense News Daily TV contains real time news right from the source. Reporting the security information in the Philippines is its main priority. Mission Empower the Filipinos Through Updated Security Information Company Overview Defense News Daily is a website containing real time news right from the source. Reporting the security information in the Philippines is its main priority. (DNDTV) is the online source of defense and security-related news. It also features interesting stories of military heroism and patriotism....See More Description Defense News Daily is a website containing real time news right from the source. Reporting the security information in the Philippines is its main priority. (DNDTV) is the online source of defense and security-related news. It also features interesting stories of military heroism and patriotism....See More General Information Editorial Board and News Team Defense News Daily Online Team IDG CRSAFP https://www.facebook.com/pages/Defense-News-Daily-PH-Online-Team/1453461228209937 Ang Tala Board Trained military personnel as news contributors PAO and DWDD managers as the point persons

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: