Philippine Army, NPA Nagka-Engkwentro sa Sorsogon, 5 na Rebelde Patay; mga Armas Nasamsam

Camp Elias Angeles, Pili, Camarines Sur – Lima sa mga kasapi ng New People’s Army ang nasawi sa tatlumpung minutong sagupaan sa pagitan ng pinag-isang pwersa ng 31st Infantry Battalion; 903rd Brigade, Philippine Army at PNP na nagsimula dakong alas 5:44 ng madaling araw kanina, Mayo 23, sa Sityo Hukdong, Brgy Balocawe, Matnog, Sorsogon. Nakasagupa ng tropa ng gobyerno ang mahigit kumulang 25 mga rebelde. May dalawang NPA ang nadakip kung saan isa ang nasugatan na binibigyang agarang lunas ng Medics ng 31st Infantry Battalion bago dalhin sa isang Ospital ng Probinsya. Narekober mula sa rebeldeng grupo ang limang matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng 2 M16 rifle, 2 M653 o baby armalite, at 1 M203 Grenade launcher. Agad na nagsagawa ng security operations sa lugar ang mga sundalo dahil sa sumbong ng isang Barangay Kagawad sa hotline number ng naturang batalyon na nagsasagawa ang mga rebelde ng “extortion” sa kanilang lugar. Nakipag-ugnayan na ang Army sa PNP-SOCO para sa pagsasa-dokumento ng naturang engkwentro. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawing NPA.

Pinaigting naman ni 9ID Commander Maj. General Yerson Depayso ang siguridad sa lugar sa anumang tangka ng rebeldeng grupo na magsagawa ng ekstorsyon sa mga inosenteng sibilyan na namumuhay ng mapayapa at maghasik ng kaguluhan lalo na sa mga Peace and Development Projects na inilulunsad ng Philippine Army katuwang ang mga LGUs at iba pang stakeholders.

Press Release from 9ID, PA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: