Human Resource Development Plan Para Sa Palawan Isinalin Sa Pamahalaan

human resource (3)

Bilang kinatawan ni Gob. Jose Ch. Alvarez ay pormal na tinanggap ni Bise-Gob. Victorino Dennis M. Socrates kasama si Mayor Lucilo Bayron at Dr. Elsa Manarpaac, pangulo ng Western Philippines University ang kopya ng Human Resource Development Plan na sinaliksik ng Center for Research and Communication para sa Philippine Business for Education (PBED) Miyerkules, ika 11 ng Pebrero, taong kasalukuyan sa isang seremonya na ginanap sa Hotel Centro.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Bise-Gob. Socrates ang lahat ng mga nagtulungan upang mabuo ang Palawan Human Resource Development Plan.  Kanyang tinuran na ang mga nakalap na datos at rekomendasyon na nakapaloob sa naturang plano para mapaunlad ang kakayahan ng mamamayang Palaweño ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng mga polisiya at sa pagbuo ng mga planong pangkaunlaran ng Pamahalaang Panlalawigan.

Lumabas sa pagaaral ng CRC na ang mataas na porsiyento ng mga kabataan at iyong may kakayahang magtrabaho ay walang trabaho dahil ang kanilang kaalaman at kasanayan ay hindi tugma sa pangangailangan ng industriya.

Sa ulat ni Veronica Ramirez ng CRC, kanyang tinuran na isa sa nakikitang ugat ng kawalan ng trabaho ay ang “mismatch” sa mga kursong iniaalok ng mga unibersidad at sa pangangailan ng mga kompanya. Kung kaya’t napipilitan ang mga kompanya na kumuha ng empleyado sa hanay ng mga migrante. Idinagdag niya na sa ginanap na PBEd Industry-Academe Summit sa Puerto Princesa noong Marso, 2014, ang pangunahing tagamaneho ng ekonomiya ng Palawan ay turismo, agrikultura at transportasyon. Batay sa datos ng Provincial Planning and Development Office ng 2013, 61.37% ng kabuong may trabaho ay nasa sektor ng agrikultura.

Sinabi din ni Ramirez na kung magpapatuloy ang nakitang “mismatch” ay magkakaroon ng malaking kakulangan ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura. Batay sa pag-aaral ay aabot ng 3,968 ang magiging kakulangan na manggagawa sa sektor na ito taon-taon. Aniya, kailangang maglunsad ang lokal na pamahalaan ng agresibong kampanya sa publiko, partikular sa mga kabataan, upang malaman ang kahalagahan at benepisyo ng agrikultura. Kailangan ding magsagawa ng intensibong pagsasanay sa mga magsasaka at ibang manggagawa sa sektor ng agrikultura ang Office of the Provincial Agriculturist at Department of Agriculture.  Ang family farm schools ay maaaring makapagbigay ng modelo sa pagsasanay sa agrikultura, ayon sa ulat.human resource (2)

Kaugnay nito, iminungkahi ng PBED ang sumusunod na polisiya ng mga lokal na pamahalaan: epektibong implementasyon ng dalawang taon na Senior High School; isailalim ang sektor ng agrikultura sa makabagong pamamaraan sa agrikultura at ang mga nangangasiwa ng sakahan; pagbabago ng kurikulum ng unibersidad/kolehiyo at ng TESDA upang matugunan ang pangangailangan ng Palaweño; at ang epektibong implementasyon ng programang pang-empleyo.

Ang naturang pag-aaral ay bahagi ng programa ng United States Agency for International Development.  Sa mensahe ni Reed Aeschlimann, Deputy Mission Director ng USAID, umaasa ang kanilang tanggapan na sa pamamagitan ng Palawan Human Resource Development Plan ay masosolusyunan ang “mismatch” sa pagitan ng hanay ng mga mangaggawa sa Palawan at ng mga industriya.  Aniya, kailangang maitugma ang mga kurso sa unibersidad sa pangangailangan ng industriya.(Prov’l PIO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: